Manila, Philippines – Nananawagan si Balanga Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Church Migrants Ministry, kay Pangulong Rodrigo Duterte na makialam na sa kaso ng OFW na si Mary Jane Veloso na nasa death row ngayon sa Indonesia matapos maakusahang sangkot sa drug smuggling.
Ayon sa Obispo, sa pamamagitan ni Solicitor General Jose Calida, maaaring kuwestyunin ng Pangulo ang pinakahuling desisyon ng Court of Appeals (CA) na huwag payagan ang pagtestigo ni Veloso sa isasagawa sanang pagdinig sa Nueva Ecija Regional Trial Court, laban sa mga recruiters nito, sa pamamagitan ng written interrogatory.
Ito ayon sa CA, ay dahil inaalisan raw ng karapatan ang akusado na makaharap ng personal ang nagakusa.
Ayon sa Obispo, ang desisyong ito ng CA, ay dumagdag lamang sa problemang pinapasan ni Veloso.
Matatandaang noong 2010, sinintensyahan ng kamatayan si Mary Jane Veloso, makaraang mapatunayang guilty sa pagta transport ng 2.6 na kilo ng heroine, kung saan sinabi nito na niloko siya ng kaniyang recruiters.