Inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na hindi pa alam ni Mary Jane Veloso ang magandang balita tungkol sa kanya.
Sa Malacañang press briefing, sinabi ni DFA Usec. Eduardo de Vega na hindi pa nila sinasabi ang balita kay Veloso dahil hindi pa naman opisyal ang mga detalye.
Pinaplantsa pa aniya nila kasama ang Indonesian government ang magiging term of transfer ni Veloso.
Umapela rin ang pamahalaan sa media, na hintayin na lamang ang detalye kapag pinal na ang naging negosasyon ng Pilipinas at Indonesia.
Ayaw aniya nilang mabulilyaso ang nesosasyon na ito dahil ito ay isang sensitibong kaso.
Facebook Comments