Inaasahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mapapauwi na sa Pilipinas bago mag-Pasko si Mary Jane Veloso na nasa death row.
Ayon kay DFA Usec. Eduardo de Vega, hinihintay na lang nila ang pinal na desisyon ng Indonesia para maplantsa ang ilang mga detalye hinggil sa magiging setup ng paglilipat kay Veloso.
Nilinaw din ni De Vega na wala pang pinal na salita ang Indonesia tungkol sa clemency pero willing daw silang ipaubaya kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagdedesisyon kung bibigyan ito ng clemency.
Tiniyak din ng opisyal ng DFA na sa oras na makabalik sa Pilipinas si Mary Jane Veloso, bibigyan ito ng magandang detention place at hindi sya ilalagay sa Bilibid.
Facebook Comments