Mary Jane Veloso, limang araw na isasailalim sa quarantine sa Correction of Institution for Women sa Mandaluyong City — BuCor

Ngayong nasa Correction Institute for Women si Mary Jane Veloso, limang araw na quarantine ang sasalubong sa kanya.

Ito ay bilang bahagi ng protocol ng Bureau of Correction (BuCor) para sa mga bagong papasok na person deprived of liberty (PDL) sa CIW.

Mananatli muna si Veloso sa Reception and Diagnostic Center sa humigit kumulang na 60 araw, kasama na ang limang araw na quarantine period kung saan isasailalim muna si Veloso sa medical observation, physical at mental exam.


Mayroon ding orientation, diagnostic evaluation at initial security classification at pagkatapos nito ay saka pa lamang ililipat sa designated facility na kanyang kabibilangan.

Sinabe rin ni BuCor Chief Director General Gregorio Catapang Jr. na hindi pagsasamahin sa isang facility si Veloso at ang kanyang illegal recruiter upang maiwasan ang posibleng pagkikita ng dalawa.

Facebook Comments