Mary Jane Veloso, magtetestigo sa korte laban sa kanyang recruiters pag-uwi ng Pilipinas

Kinumpirma ni Foreign Affairs Usec. Eduardo de Vega na haharap sa korte sa Nueva Ecija si Mary Jane Veloso pag-uwi nito sa Pilipinas.

Ito ay para magtestigo laban sa kanyang illegal recruiters matapos na sampahan ang mga ito ng paninagong kaso.

Ayon kay De Vega, ipinaabot na rin nila sa Indonesian government ang naturang mga bagong development sa kaso ng recruiters ni Mary Jane.


Kinumpirma rin ni De Vega ang suporta nila sa kahilingang clemency ng pamilya Veloso para kay Mary Jane.

Ayon kay De Vega, tiyempo rin ang nakatakdang paglipat kay Mary Jane sa Pilipinas dahil magdiriwang ito ng kanyang kaarawan sa January 10 na aniya’y maagang regalo para sa Pilipina.

Facebook Comments