Matapos ang 5 taon ay muling bumisita ang pamilya ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si Mary Jane Veloso sa kanyang selda sa Indonesia para makapiling siya sa loob ng dalawang araw.
Ayon sa Migrante International, kabilang sa mga dumalaw kay Mary Jane sa Wonisari detention cell sa Yogyakarta ang mga magulang nito at ang dalawang anak na binata na ngayon.
Ayon kay Celia Veloso, ina ni Mary Jane, halos hindi pakawalan si Mary Jane ng dalawang anak nito kung saan palagi siyang niyayakap at hinahalikan.
Aniy, nagdasal din sila at dumalo sa misa kung saan nakita nila si Mary Jane na tumugtog ng gitara at piano dahil ito ay aktibo aniya sa mga aktibidad ng simbahan.
Taong 2010 nang mahatulan ng parusang kamatayan si Veloso kaugnay ng nakuha sa kanyang 2.6 gramo ng heroin na nakita sa kanyang maleta.
Kasama sana siya sa mga bibitayin noong Abril 2015 pero na-postpone ito matapos na maaresto ang kanyang illegal recruiters.
Patuloy naman ang panawagan ng pamilya at tagasuporta ni Mary Jane para sa clemency nito.