Mas pinaigting ang pagpaplano sa mga angkop na programa at proyekto sa mga barangay sa Bayambang na tutugon sa aktuwal na pangangailangan ng mga residente. Naging bahagi ng pagpupulong ang naturang paksa kasabay ng pagtalakay sa panukalang pag-amyenda sa Annual Investment Program (AIP) 2025–2026.
Layunin ng mga iminungkahing pagbabago na masigurong mapupunta sa mga proyektong may agarang pakinabang sa komunidad, partikular sa imprastraktura, serbisyong panlipunan, at mga pasilidad na magpapabuti sa kalidad ng pamumuhay ng mga residente, ang mga pondong ilalaan ng lokal na pamahalaan.
Bilang bahagi ng lokal na programa, sumailalim sa orientation ang mga punong barangay sa pagpapatupad ng solid waste management sa mga kabahayan.
Sa kabuuan, sentro ng pagtitipon ang paghahatid ng kalidad na serbisyo publiko na akma sa pangangailangan ng mga residente. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










