Inaasahan na ng OCTA Research Team na mas bababa pa sa 500 ang maitatalang COVID-19 cases sa bansa pagsapit ng buwan ng Abril.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Butch Ong na bumaba nasa 0.5 ang reproduction number o bilis ng hawaan ng virus sa bansa ngayon.
Aniya, halos doble digit na lamang din ang naitatalang arawang kaso sa National Capital Region (NCR).
Kasabay nito, nagpaalala naman si Ong sa mga indibidwal na sumama sa campaign rallies ng mga kandidato ngayong 2022 election.
Giit ni Ong, kailangan pa ring sumunod ang lahat sa minimum public health standards lalo’t nandyan pa rin ang banta ng virus at ang pagkakaroon ng bagong variant nito.
Facebook Comments