Mas bumagal pa ang inflation rate o pagsipa ng halaga ng mga bilihin at serbisyo para sa buwan ng Oktubre ngayong taon

Sa isinagawang press conference, sinabi ni Philippine Statistics Authority Usec. Claire Dennis Mapa, umabot lang sa 0.8 percent ang naitalang inflation noong Oktubre, mas mababa ito sa naitalang 0.9 percent noong Setyembre.

 

Ito na rin ang pinakamababang inflation sa kasaysayan mula noong may 2016 kung saan naitala din ang 0.9 percent.

 

Ayon kay Mapa, ang pagbaba ng inflation ay bunsod ng pagbaba ng halaga ng mga pangunahing produkto gaya ng pagkain at non-alcoholic beverage.


 

 

Nakapag-ambag din ang bumabang halaga ng tubig, kuryente at produktong petrolyo.

 

Naitala ang pinakamataas na inflation nitong Oktubre sa Central Luzon dahil sa pagtaas ng presyo ng manok, isda, karne ng baka at itlog.

 

Habang nananatiling mababa ang annual rate sa Region 9 na may -1.3 percent.

Facebook Comments