MAS DADAMI PA | Populasyon ng buong mundo, posibleng lumobo sa 2.2 billion sa taong 2050

Inaasahang lolobo pa sa 2.2-billion ang populasyon ng buong mundo pagsapit ng taong 2050.

Batay sa pinakahuling report ng United Nations Population Fund (UNFPA) na “the state of world population 2018,” kalahati o nasa 1.3-bilyon ang magiging ambag ng sub-saharan Africa sa paglobo ng populasyon ng mundo dahil sa “continued high fertility” sa lugar.

Ibig sabihin, ang pagtaas ng bilang ng mga mas batang populasyon sa hinaharap ay mas magpapahirap pa umano sa mga bansa na tiyakin ang quality education at health care sa kanilang mga mamamayan.


Maaapektuhan din daw ang ekonomiya na bumuo ng sapat na oportunidad para sa kanila.

Sakaling tama ang mga prediksyon, aakyat sa 26 percent sa 2050 ang bahagi ng Africa sa world population mula sa naitalang 17 percent noong 2017.

Sa Timog-Silangan Asya, sinasabing ang Pilipinas ang may pinakamataas na total fertility rate.

Sa ngayon, nasa kalahati ng populasyon ng mga Pinoy ang may edad 24-anyos pababa.

Facebook Comments