Manila, Philippines – Nananatiling mga Koreano ang pinakamaraming bumisita sa Pilipinas ngayong taon.
Batay sa datos ng Bureau of Immigration, umabot sa mahigit 1.4 million na South Korean ang pumasok sa bansa simula noong January hanggang November ngayong taon.
Ito ay mas mataas ng 1.3 percent kumpara sa bilang ng bumisitang Koreano sa bansa noong 2016.
Pangalawa sa pinakamaraming bumisita sa bansa ay mga american nationals, na umabot sa 869,732.
Nasa ikatlong puwesto ang mga Chinese nationals na nasa 796,487 arrivals.
Habang umabot naman sa mahigit limangdaan libo ang mga Japanese visitors ng bansa ngayong taon.
Facebook Comments