Kumpiyansa ang alkalde na tataas ang koleksyon ng bayan mula sa buwis dahil sa maagap at tapat na pagbabayad ng mga umiiral at bagong negosyo sa Binmaley.
Ayon pa sa alkalde, malaking tulong ang pinahigpit na transparency at ang mas mabilis na proseso sa mga transaksyon, na bahagi ng kampanya ng kanyang administrasyon laban sa red tape, upang mahikayat ang mga negosyante na sumunod sa tamang pagbabayad ng buwis.
Samantala, tugon naman ni Mayor Merrera sa mga nagsasabing masyado siyang mahigpit sa paniningil ng buwis, iginiit niyang ito ay nararapat lamang upang matiyak ang patas at maayos na pamamahala ng pondo ng bayan.
Tiniyak naman ng lokal na pamahalaan na ang nakokolektang buwis ay direktang ilalaan sa mga programa at proyektong makikinabang ang mamamayan, kabilang ang serbisyong panlipunan at imprastraktura sa bayan.








