Sasailalim sa foreshore survey mapping ang ilang dalampasigan sa bayan ng Infanta, Pangasinan bilang bahagi ng hakbang para magkaroon ng mas malinaw na datos na magagamit sa coastal management.
Tinalakay ang detalye ng proyekto sa isang project briefing na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Region I, sa pamamagitan ng CENRO Alaminos kahapon, Enero 14, 2026.
Ayon sa DENR, layon ng survey na makabuo ng komprehensibong imbentaryo at eksaktong mapa ng mga istruktura sa dalampasigan at salvage zone areas, na magsisilbing batayan sa pagpaplano ng paggamit ng lupa, pangangalaga sa baybayin, at pagpapatupad ng mga polisiya.
Para sa Infanta, saklaw ng proyekto ang mga barangay ng Poblacion, Cato, at Bayambang.
Sa pamamagitan ng survey mapping, inaasahang mas mapapabuti ang pamamahala at pangangalaga sa mga dalampasigan ng Infanta, habang isinusulong ang balanseng paggamit at proteksyon ng mga coastal at salvage zone areas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










