MAS HUMINA? | Halaga ng piso kontra dolyar, posible pang humina

Manila, Philippines – Posibleng mas humina pa ang halaga ng piso kontra dolyar sa mga susunod na araw.

Ayon kay Astro Del Castillo, isang financial analyst, dahil sa patuloy na pagganda ng ekonomiya ng Estados Unidos ay tumataas din ang halaga ng dolyar.

Aniya, dahil dito inaasahang aabot pa sa limangpu’t dalawa hanggang limangpu’t tatlong piso ang magiging palitan ng piso kontra dolyar.


Gayunman, wala naman aniyang dapat ipag-aalala rito dahil mayroon naman itong positibong epekto sa ekonomiya ng Pilipinas.

Facebook Comments