Mas kaunting pasahero, naitala sa PITX ngayong Palm Sunday

Kaunti lang ang mga pasaherong dumating sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ngayong araw.

Ayon sa pamunuan ng PITX, nasa 4,000 pasahero lang ang naitala sa terminal mula ala una ng madaling araw hanggang alas sais ng umaga.

Malayo ito sa 11,000 passengers na dumagsa sa terminal sa kaparehong panahon kahapon.


Aabot sa 1.2 milyong mga pasahero ang inaasahang magtutungo sa PITX sa buong Holy Week break.

Facebook Comments