Hiniling ni Deputy Minority Leader at Zamboanga Sibguay 1st district Rep. Wilter Palma sa Manila International Airport Authority (MIAA) ang pagkakaroon ng mas komportableng waiting area para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa tingin ni Palma, sa ikatlo at ikaapat na palapag ng NAIA ay maaring maglagay ng double decker na mga kama at shower rooms para sa mga OFWs.
Paliwanag ni Palma, nakakahiya na nakikitang natutulog ang mga OFWs sa mga upuan at sahig ng paliparan na minsan ay malapit sa comfort rooms habang naghihintay sa kanilang flights.
Giit ni Palma, bilang mga modern day hero, dapat mabigyan naman ng disenteng lugar o lounge ang mga OFWs kung saan sila maaaring magpalipas ng oras bago ang kanilang pag-lipad.