Manila, Philippines – Nagbabala ang Bayan Muna party-list sa posibleng “oil price explosion” dahil sa second tranche ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act (TRAIN).
Ayon sa Bayan Muna, masiyadong mahihirapan ang mga mahihirap sa oras na sumabay uli ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at ang pagbilis naman ng inflation rate bunsod na din ng reporma sa buwis.
Dahil dito, hinihimok nila ang mga kongresista na kaagad na aprubahan ang House Bill no. 7653 para i-urong ang probisyon ng TRAIN Law hinggil sa pagtaas ng excise tax sa mga produktong petrolyo.
Ipinanawagan din nila sa Korte Suprema na ideklarang unconstitutional ang TRAIN Law lalo na at hindi pa din nakaka-ahon sa hirap ang ilang mga Pilipino.
Facebook Comments