Mas maaga at mas maraming biyahe ng Libreng Sakay Program, pinag-aaralan ng OVP lalo ngayong panahon ng tag-ulan

Pinag-aaralan na ng Office of the Vice President (OVP) ang pagpapalawig sa bihaye ng Libreng Sakay lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.

Kasabay na rin ito ng paglalabas ngayong araw ng OVP ng accomplishment report ng pangalawang pangulo noong 2024.

Sinabi ni OVP Spokesperson Atty. Ruth Castelo, na isa sa mga mahalagang programa ni Vice President Sara Duterte ang Libreng Sakay.

Aniya, nakapag-cater na ito ng 2,416,899 na pasahero mula nang ilunsad ang programa noong 2022.

Plano ng OVP na magkaroon ito ng mas marami at mas maagang biyahe tuwing umaga.

Facebook Comments