Mas maayos at pinagandang distance learning modality para sa pagbubukas ng SY 2021-2022, pina-plantsa na ng DepEd

Tiniyak ngayon ng Department of Education (DepEd) na mas pinaayos at pinaganda ang learning continuity at distance learning modality para sa pagbubukas ng School Year 2021-2022.

Sa interview ng RMN Manila kay DepEd Usec. Nepomuceno Malaluan, ngayong taon, pinili nila ang mga dapat at mas kinakailangang ituro sa mga bata, batay sa curriculum ng K to 12.

Pinaigting din aniya ang quality ng mga module na gagamitin ng mga bata para sa kanilang distance learning.


Bukod dito, palalakasin din ng DepEd ang kanilang mga educational videos at radio base instruction, kasunod na rin ng kautusan ng ni DepEd Sec. Leonor Briones.

Facebook Comments