Sinimulan na kahapon, Nobyembre 18, ang paghahanda para sa paglalagay ng traffic lights sa municipal intersection ng San Nicolas.
Ayon sa lokal na pahayag, pondong galing sa Disaster Risk Reduction and Management Fund ang gagamitin para sa proyekto na layong mapabuti ang daloy ng trapiko at maiwasan ang disgrasya, lalo na sa mataong bahagi malapit sa San Nicolas Municipal Plaza at St. Nicolas de Tolentino Parish.
Bilang unang hakbang, naglagay na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ng stop bar at pedestrian lane sa lugar.
Katuwang din sa proyekto ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), na siyang nagmomonitor upang matiyak ang kaligtasan at kaayusan ng isinasagawang konstruksyon.
Samantala, pinapayuhan ang mga motorista at pedestrian na mag-ingat habang nagpapatuloy ang trabaho sa naturang kalsada.









