Tiniyak ni Senator Jinggoy Estrada ang mas maayos na sitwasyon sa trabaho para sa mga caregivers sa buong bansa kasunod ng pagkakapasa ng Republic Act No. 11965, o “Caregivers’ Welfare Act.”
Ayon kay Estrada, asahan na ng mga caregivers ang mas maayos na working conditions, tiyak na benepisyo, at proteksyon laban sa lahat ng uri ng pangaabuso.
Naniniwala si Estrada na isa itong malaking hakbang upang matiyak na mapapabuti ang kalagayan ng mga caregivers at mabibigyan ng sapat na proteksyon ang mga vulnerable pero maituturing na malakas na sektor.
Binigyang-diin pa ng senador na mahalaga na maprotektahan ang mga caregivers sa anumang pangaabuso.
Kadalasan aniyang ang mga caregivers ay hindi nabibigyang pagpapahalaga at dapat na itrato ang mga ito ng may dignidad, respeto at patas.