MAS MAAYOS NA KALAKALAN PARA SA MGA MANININDA AT MAMIMILI, INAASAHAN SA PAGKAKAGAWA NG ROOF EXTENSION SA BAHAGI NG SAN NICOLAS PUBLIC MARKET

Inaasahang mas magiging maayos ang kalakalan para sa mga manininda at mamimili sa San Nicolas Public Market matapos makumpleto ang roof extension sa bahagi ng pamilihan.

Mas naging maaliwalas at organisado ang pagpasok at paglabas ng mga mamimili sa Fruits and Vegetable Section kasunod ng pagtatapos ng roof extension sa harap at likurang pasukan nito.

Ayon sa pamahalaang lokal, nakatuon ang proyekto sa pagpapabuti ng daloy ng tao lalo na tuwing dagsaan at sa panahon ng pabago-bagong kondisyon ng panahon.

Inaasahang magsisilbing proteksyon laban sa init at ulan ang karagdagang bubong upang mapanatiling tuloy-tuloy ang bentahan at maging komportable ang pamimili sa loob ng pamilihan.

Ininspeksyon na rin ng pamahalaang lokal, mga municipal engineer at kinatawan ng Economic Enterprise Office ang nasabing proyekto upang tiyakin ang maayos na pagkakagawa nito.

Layunin ng inisyatiba na masiguro ang kaligtasan at kaayusan sa isa sa pinakaabalang bahagi ng pamilihan at mapahusay ang operasyon ng dry market ng bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments