Kailangang magkaroon ng mas maayos na koordinasyon sa pagitan ng national at local government pagdating sa usapin ng suplay ng pagkain.
Ito ang iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ginawang pagpupulong kasama ang League of Provinces of the Philippines (LPP).
Ayon kay Pangulong Marcos, bagama’t nasa ilalim ng pambansang pamahalaan ang Department of Agriculture ay hindi pu-pwede ang “bahala na kayo” mentality.
Kailangan aniya ng pamahalaan ang tulong ng lokal na pamahalaan, partikular na ang mga gobernador, pagdating sa pagpaplano at pagtugon sa mga problema ng pagkain.
Inihalimbawa dito ng pangulo ang pagpaplano sa schedule ng pagtatanim sa mga lalawigan, pag-aani, problema sa lupa, at paggamit ng pataba.
Matatandaang si Pangulong Marcos ang kasalukuyang nagsisilbing kalihim ng Department of Agriculture.