Mas maayos na motorsiklo para sa mga pulis, tiniyak ni Pangulong Duterte

Ikinokonsidera ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumili ng mga motorsiklo para sa mga pulis na layong palakasin ang kanilang kakayahan sa paglaban sa kriminalidad.

Ito ang pahayag ng Pangulo matapos siyang mabahala sa tumataas muling insidente ng street crimes kasabay ng pagbubukas ng ekonomiya ngayong pandemya.

Sa kaniyang “Talk to the Nation” address kagabi, sinabi ng Pangulo na plano ng pamahalaan na bumili bng motorsiklo at magsagawa ng training sa mga pulis sa kung paano magmaneho ng mga ito.


Inatasan na ni Pangulong Duterte si Interior Secretary Eduardo Año na ilatag ang plano para sa motorcycle acquisition.

Aniya, ang isang 250cc motorbike ay ‘ayos na.’

Iginiit din niya na kailangang sumailalim sa motorcycle riding training ang mga pulis para mahusay nilang naiikot ang mga kalsada at kayang habulin ang mga motorcycle-riding criminals.

Alam ng Pangulo na nahihirapan ang mga pulis na tugisin ang mga suspek na naka-motorsiklo na nagagawang makalusot sa trapiko at sa kanilang ginawang paglabag.

Kapag natapos ang training ng mga pulis hinggil dito, ipinapanukala ng Pangulo na i-deploy ang mga ito na hindi naka-uniporme.

Facebook Comments