Mas maayos na voucher program para sa mga estudyante at guro, isinulong sa Kamara

Isinusulong ni Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez na mai-repeal ang Expanded Government Assistance to Students and Teachers in Private Education o E-GASTPE Law.

Nais ni Romualdez na mapalitan ito ng isang voucher system na mas malawak at mas tumutugon sa mga mag-aaral at guro sa mga pribadong paaralan.

Nakapaloob ito sa House Bill No. 4 o panukalang Private Basic Education Vouchers Assistance Act na inihain ni Romualdez na layuning matulungan ang mga pribadong paaralan na makabangon mula sa mga kinakaharap nilang suliranin.

Ayon kay Romualdez, palalakasin ng kanyang panukala ang pagtulong sa mga mahihirap na estudyante na piniling mag-aral sa mga pribadong eskwelahan lalo kung sila ay nasa mga lugar na masikip at walang magagamit na pampublikong paaralan.

Kabilang din sa panukala ang pagtatatag ng Teachers’ Salary Subsidy Fund at In-Service Training Fund.

Facebook Comments