Mas mababang COVID-19 testing ng mga laboratory na walang kahit anong penalty, iginiit ng DOH at DTI

Inihayag ng Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) na maaaring singilin ng mga laboratory nang mas mababa ang COVID-19 testing na walang kahit anong penalty.

Sa joint statement ng dalawang ahensiya, nilinaw ng mga ito na ang private at public laboratories ay maaaring maningil ng mas murang COVID testing batay sa DOH Circular No. 2020-0391.

Sang-ayon ito sa ilalim ng DOH Circular No. 2020-0391, kung saan ang RT-PCR test sa private laboratories ay dapat na nagkakahalaga lamang ng P4,500 hanggang P5,000 habang sa pampubliko naman ay nagkakahalaga ng P3,800.


Facebook Comments