Mas mababang bilang ng mga firecracker related injuries sa darating na pagdiriwang ng Bagong Taon ang inaasahan ng Philippine National Police (PNP).
Pahayag ito ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde makaraang magsagawa ng inspeksyon ngayong umaga sa mga bentahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.
Ayon sa PNP Chief, sa ngayon ay 24 palang na firecracker related injuries lang naitala ng DOH, na mas konti mula sa nakaraang taon at inaasahan niya ang patuloy na downward trend sa taong darating.
Samantala, sinabi ng PNP Chief na handang handa na ang PNP sa pagdiriwang ng Bagong Taon at nakataas ang kanilang alerto sa lahat ng kanilang mga regional offices sa buong bansa.
Pero, sinabi ni Albayalde na ipauubaya niya na sa mga regional directors kung pahihintulutan ang kanilang mga tauhan na mag-day off sa Bagong Taon depende sa sitwasyon sa kanilang mga nasasakupan.
Ngunit sa NCRPO aniya ay walang day off at inaasahan niyang naka-duty ang lahat ng mga pulis sa Bagong Taon.