Inaasahan ng OCTA Research Team na simula bukas ay mas mababa na sa 1,000 ang maitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, maaaring aabot na lang sa humigit-kumulang 500 ang magiging arawang kaso ng COVID-19 sa kalagitnaan ng Marso.
Aniya, umaasa sila na magtutuloy-tuloy ang mababang kaso ng COVID sa bansa.
Iginiit naman si David na hindi nila masasabing ang pagkakaroon muli ng pagtaas ng kaso ng COVID kaya dapat na ituloy pa rin ang pagsunod sa minimum public health standards.
Facebook Comments