Manila, Philippines – Good news sa mga mahilig mag-trave, asahan ang pagbaba sa pasahe sa eroplano pagdating ng Marso hanggang Abril.
Ito ay dahil sa inaasahan ding pagbaba ng presyo ng jet fuel sa summer season.
Ayon kay Civil Aeronautics Board (CAB) Executive Director Carmelo Arcilla – base sa fuel surcharge matrix ng CAB na ini-isyu noong September 2018, nakikita nila na pababa ang presyo ng jet fuel sa level 2.
Ibig sabihin, mula sa kasalukuyang level 3 surcharge para sa mga domestic flight na P74 to P291, bababa ito sa level 2 fuel surcharge na P45 to P171 depende sa layo ng destinasyon.
Habang sa international flights, mula P381 to P3,632 ay bababa ang singil sa P218 to P2,076 depende rin sa destinasyon.
Sa February 15, muling maglalabas ng abiso ang CAB.