Cauayan City, Isabela – Mas maswerte ang mga magsasaka ng Isabela dahil sa mas mataas ang presyo ng palay kumapara sa Ilocos Norte.
Ito ang inihayag ni Ilocos Norte Governor “Imee” Marcos sa kanyang pakikipag-ugnayan sa lokal na media pagkatapos ng kanyang talumpati sa isinagawang Farmers Congress sa Aurora, Isabela kaninang umaga, April 13, 2018.
Gayunpaman, kanyang iminungkahi na mas mainam na ideretso ang produkto sa mga konsumers para mapapaba ang presyo ng palay at bigas.
Dahil sa kasalukuyan ay mas mataas pa ang kita ng traiders kaysa sa magsasaka.
Aniya, nasa labing siyam at singkwenta sentimo hanggang dalawampu’t dalawang piso ang bili nila ng bigas dito sa probinsya na ibinebenta naman ng mga traders kung ito ay naging bigas sa halagang 40-43 pesos kada kilo at pwedeng bababa pa ito ng sampung piso kung mangyayari ang pagdirekta nito sa mga konsyumer.
Samantala, Maswerte rin umano ang Ilocos Norte dahil sa Virginia Tabaco na nakakatulong sa kanilang pagbibigay ng libreng abono at binhi kung saan isa ito sa tumutulong sa kanilang agrikultura.
Dagdag pa aniya, Nakikita umano na ang lalawigan ng Isabela ay progresibo at kanyang hangad na sana’y magtuloy-tuloy lamang ang progresibo ng probinsiya ng Isabela.