Manila, Philippines – Balak ng ilang transport group na kumuha ng mga
modernong jeepney sa Tsina dahil sa mas mababang presyo kumpara sa mga
ibinebenta sa Pilipinas.
Ayon sa Pasang Masda President Roberto Martin, nasa P1.55 milyon lang ang
presyo ng bagong jeep sa Tsina habang aabot ng P1.8 milyon ang presyo sa
mga lokal na manufacturer.
Tiwala naman si FEJODAP President Zenaida Maranan, maaari pang bumaba ang
presyo kung ipag-uutos ng pangulo na tapyasan ang buwis.
Sa Metro Manila pa lang ay 65,000 na ang bilang ng jeep na kailangan
palitan.
Hirit naman ng mga jeepney operator ang dagdag-pasahe dahil sa mga
pagbabago sa pampublikong jeep.
Nabatid na nasa patakaran ng LTFRB na maaaring magtaas ng pasahe kapag
naging de-air con ang jeep.
Kabilang sa mga bagong katangian ng modernong jeep ay ang paggamit ng beep
card sa pagbabayad ng pamasahe, at pagkakaroon ng Wi-Fi at GPS.