Mas mabigat na daloy na trapiko sa EDSA ngayong ber months, ibinabala

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na asahan na ang mas malalang daloy ng trapiko ngayong papasok ang “ber months”.

Ayon kay MMDA EDSA Traffic Chief Bong Nebrija – magsisimula na kasi ang ilang konstruksiyon sa EDSA kabilang na ang pagdudugtong sa mga linya ng LRT at ng MRT.

Pero naghahanap na aniya sila ng mga alternatibong ruta dahil dito.


Bago pa magsimula ang ber months – ipinakalat na ang mga patrol officers ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) sa EDSA.

Kaakibat ito ng direktiba ni HPG Chief General Eliseo Cruz na dapat nasa kalsada ang lahat ng kanilang patrolman at patrolwoman.

Facebook Comments