Mas mabigat na daloy ng trapiko sa Alabang SLEX, asahan pa sa mga susunod na araw

Sa mga estudyante at sa mga nagtatrabaho sa Metro Manila mula sa Southern Luzon gayundin sa mga magmumula sa Muntinlupa City at Las Piñas City, dagdagan pa po natin ang oras ng ating biyahe paluwas ng Maynila.

Ito ay dahil lalo pang sisikip ang daloy ng trapiko sa SLEX mula Muntinlupa hanggang sa Alabang dahil sa pagsisimula ng konstruksyon ng Skyway Extension Project na 
magdudugtong mula Susana Heights hanggang sa Alabang.

Sa ngayon, ay sinimulan na ang paglalagay ng mga poste o pundasyon sa lugar kaya nakakadagdag ito sa mabigat na daloy ng trapiko mula Susana Heights, Muntinlupa hanggang sa Alabang.

Magtatapos ang Skyway Extension Project sa December 2020 at ito at nagkakahalaga ng 10 billion pesos.


Facebook Comments