Mas mabigat na daloy ng trapiko sa Ortigas, asahan na hanggang Biyernes

21

Asahan na ang mabigat na daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng Ortigas Center simula ngayong umaga hanggang sa Biyernes, Marso a primero.

Ayon sa Pasig Command Center, ito ay dahil sa kaliwa’t kanang road restoration project ng kumpanyang Source Telecoms.


Kabilang sa maapektuhang kalsada ang kahabaan ng Jade Drive at Sapphire Road.

Hindi naman natukoy ng Pasig Command Center kung saan eksaktong bahagi ng dalawang kalsada magkakaron ng road restoration.

Isasagawa ang proyekto tuwing alas nuebe ng umaga hanggang ala singko ng hapon o kung kailang rush hour pa naman.

Pinapayuhan ang mga motorista na humanap ng alternatibong ruta.

Facebook Comments

From Advertisers