Mas mabigat na kaso, isasampa ng PNP laban sa mga dumukot sa beauty queen na si Camilon

Nakahanda ang Philippine National Police (PNP) na magsampa ng mas mabigat na kaso laban sa mga indibiduwal na sangkot sa pagkawala ng beauty queen na si Catherine Camilon.

Ito ang sinabi ni PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo makaraang sampahan kamakalawa ng kidnapping at serious illegal detention sina Police Maj. Allan Avena de Castro na umano’y kasintahan ni Catherine, Jeffrey Ariola Magpantay at dalawang John Does.

Ayon kay Col. Fajardo, hanggang sa ngayon kasi hindi pa rin natatagpuan ang si Catherine simula nang ideklara itong missing noong Oct. 12, 2023.


Aniya, ongoing pa rin ang pangangalap nila ng impormasyon hinggil sa kinaroroonan nito o kung buhay pa si Camilon.

Saka sakali mang may makuhang karagdagang ebidensya ukol dito ang PNP, agad silang maghahain ng mas mabigat o karagdagang kaso laban sa mga suspek.

Facebook Comments