Mas mabigat na parusa para sa mga mamemeke ng pera, iminungkahi ng BSP

Ipinapanukala ng Bangko Sentral ng Pilipinas na patawan ng mas mabigat na parusa ang mga mahuhuling namemeke ng pera.

Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, ito ay upang maiwasan ang pagpapakalat ng mga counterfeit money sa pamamagitan ng pag-amyenda sa mga kasalukuyang batas.

Sa ngayon kasi ay nasa 12 taon lamang at multa na aabot sa ₱12 million ang maaaring kaharapin ng mahuhuling mamemeke ng pera.


Kamakailan lamang ay nagpaalala rin ang BSP sa publiko na suriing mabuti ang mga pera kahit pa nanggaling ang mga ito sa Automated Teller Machines (ATMS).

Facebook Comments