Mas mabigat na parusa sa government officials na sangkot sa agricultural smuggling, isinulong sa Kamara

Iminungkahi ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ang pag-amyenda sa Republic Act No. 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

Partikular na pinapa-amyendahan ni Lee ang pagpapataw ng mas mabigat na parusa kapag ang napatunayang nasa likod o sangkot sa naturang ilegal na gawain ay kawani o opisyal pa mismo ng gobyerno.

Ang hakbang ni Lee ay tugon sa talamak pa ring smuggling sa bansa ng iba’t-ibang agricultural products.


Sa inihaing House Bill No. 5742 ay binigyang-diin ni Lee na hindi uunlad ang sektor ng agrikultura ng bansa hangga’t hindi natutuldukan ang large scale smuggling ng imported agri products.

Sa panukala ni Lee ay tuluyang ipagbabawal na maitalaga sa alinmang sanggay ng gobyerno ang sinumang kawani o opisyal ng gobyerno na mapapatunayang may kinalaman o dawit sa agricultural smuggling.

Bukod pa rito, ang habambuhay na pagkabilanggo at multa na katumbas sa doble ng halaga ng smuggled agricultural product.

Facebook Comments