Manila, Philippines – Isinulong ni Senate President Tito Sotto III ang mas mabigat na parusa para sa kasong perjury o pagsisinungaling ng mga testigo sa krimen.
Hakbang ito ni Sotto kasunod ng paglutang ni Peter Joemel Advincula na nagpakilalang alyas Bikoy na nasa viral video na “Ang Totoong Narcolist.”
Ayon kay Sotto, sa simula pa lang ay hindi na niya pinaniwalaan si Sotto dahil sa hindi magkakatugmang kwento nito laban sa mga matataas na opisyal ng gobyerno.
Bunsod nito ay nais ni Sotto na gawing reclusion temporal o pagkakakulong na mula 12 hanggang 20 taon ang parusa para sa mapapatunayang guilty sa perjury o pagsisinungaling.
Ngayon kasi ay isa hanggang anim na buwan na pagkakabilanggo lamang ang parusa dito.
Facebook Comments