Mas mabigat na parusa sa mga masasangkot sa bomb joke, itinutulak ng Senado

 

Isinusulong ni Senator Raffy Tulfo na patawan ng mabigat na parusa ang mga masasangkot sa pagpapakalat o ginagawang biro ang bomb threat sa mga pampublikong lugar tulad ng tren, eroplano, barko, paarala, simbahan at iba pa.

Inihain ni Tulfo ang Senate Bill 2768 o ang Anti-Bomb Joke Act kung saan mahaharap sa parusa ang mga magkakalat ng mga mali o pekeng impormasyon patungkol sa bomb threats, explosives, at iba pang life-threatening o destructive materials.

Ang mga lalabag oras na maisabatas ang panukala ay posibleng maharap sa dalawa hanggang anim na taon na pagkakakulong at multang P100,000 hanggang P5 million depende sa bigat ng kasalanan ang magiging parusa.


Saklaw ng parusa ang mga magbibiro ng bomb threat gamit ang mail, electronic mail, telepono, cellular phone, fax machine, telegraph, printed materials, video recording, social media at iba pang paraan ng komunikasyon,

Samantala, sa taong 2023 at 2024, anim na kaso ng bomb jokes ang naitala ng Philippine National Police (PNP) sa train stations at 11 naman sa airport – at lahat ng ito ay na-dismiss lang din sa korte.

Facebook Comments