Mas mabigat na trapik sa Commonwealth Avenue, asahan na sa pagsisimula ng MRT 7 construction

Manila, Philippines – Asahan na ang mas mabigat na daloy ng trapiko sa bahagi ng Commonwealth Avenue sa Quezon City simula bukas, August 15, 2017.

Ito ay para bigyang daan ang proyekto ng MRT-7 project traffic management task force na pagtatayo ng guide way para sa station 3 ng MRT 7 sa pagitan ng University Avenue at Central Avenue.

Dahil dito, mababawasan ng dalawang linya para sa mga sasakyan ang dating tig pitong linya sa magkabilang direksyon sa Commonwealth.


Inaasahan naman na aabutin ng hanggang April 2018 ang proyekto.

Samantala, sisimulan na rin sa susunod na linggo ang pagpapatayo ng station 7 sa manggahan area ng commonwealth avenue sa pagitan ng Katuparan Street and Kaunlaran Street.

Umapela naman ang MRT-7 Project Traffic Management Task Force sa mga motorista na dagdagan pa ang pang-unawa at kooperasyon para maiwasan ang lalong trapiko.

Facebook Comments