Nanawagan ang MMDA sa publiko na magbaon ng dagdag na pasensya ngayong araw dahil sa inaasahang matinding trapik sa Metro Manila.
Sa kanyang Facebook post, inisa-isa ni MMDA EDSA traffic head Bong Nebrija ang ilang mga magiging dahilan ng trapik ngayong araw bago ang eleksyon sa Lunes.
Kabilang rito ang kanselasyon ng number coding scheme sa mga provincial buses sa Metro Manila, mga motorcade sa ilang bahagi ng EDSA, political rallies at sa posibleng maulan na panahon.
Ayon kay Nebrija, ginawa niya ang post hindi para takutin ang publiko lalo na at ordinaryong araw lang aniya ito.
Kasabay nito, pinayuhan naman ni Enbrija ang mga commuters na sumunod sa batas trapiko para walang maging aberya sa kalsada at para nakatuon ang traffic enforcers sa pagmando ng trapiko.
Dagdag ni Nebrija, nasa 1,700 enforces ang nakatalaga sa buong Metro Manila at mahigit 100 naman sa EDSA.
Giit ni Nebrija, maging mahinahon kapag naipit sa matinding trapik.