MAS MABILIS? | I-ACT, nagdagdag na ng mga P2P bus sa MRT North Avenue

Manila, Philippines – Target ng Inter Agency Council for Traffic na makapagpalabas ng 60 units ng point to point bus na makakatuwang ng MRT line 3 sa pagsakay ng pasahero mula alas-5 ng madaling araw hanggang alas-9 ng umaga.

Ang biyahe ng mga bus ay mula North Avenue MRT line 3 station hanggang Ayala sa Makati at may mas mababang singil sa pasahe kumpara sa mga regular bus .

Ayon kay I-ACT Spokesperson at LTFRB OIC Atty. Aileen Lizada,ang mga pribadong buses ay mula sa 24 na city bus operators na binigyan ng special permit ng LTFRB para makapagbiyahe sa EDSA kasama ang dalawang shuttle bus ng MMDA na libre naman ang pamasahe.


Kahapon, 33 buses, ang bumiyahe at 2,517 pasahero ang napagsilbihan.

Sinabi pa ni Atty. Lizada ,mas maraming commuters ng MRT 3 ang tumatangkilik na sa point to point buses dahil bukod sa mababa ang pasahe ,mabilis din namang nakakarating sa kanilang destinasyon sa tulong ng mga escort na motorcycle units ng MMDA.

Facebook Comments