Mas mabilis na internet sa mga tourist destination, mararamdaman sa 1st semester ngayong taon – DOT

Patuloy na pinapabuti ng Department of Tourism (DOT) ang internet connection sa mga tourist destination sa bansa.

Ito ay para sa mas epektibong pagpo-promote ng mga pasyalan sa tulong ng social media at makahimok ng mas maraming turista.

Ayon kay DOT Secretary Christina Frasco, 94 tourist destinations ang target na mapalakas ang internet connection, nasa 46 dito ang nailagay na ang pipeline kaya’t inaasahan na makikita ang resulta sa unang semester ngayon taon.


Kabilang na sa mga tourist destination ang may pipeline ang Bocaray, Cebu, Palawan, Bohol, Siargao, at Baguio.

Samantala, tiniyak din ng DOT na hindi lang sikat na mga pasyalan ang lalagyan ng malakas ng internet kundi pati ang mga lugar na nagsisimula nang nakikilala.

Facebook Comments