Inaasahang mas bibilis at magiging mas maayos ang mga transaksyon sa tanggapan ng Lungsod ng Dagupan kasunod ng pagbubukas ng City Bizlounge sa pakikipagtulungan sa Bureau of Internal Revenue Region I.
Pormal na inilunsad ang Bizlounge bilang bahagi ng mas pinalakas na ugnayan ng pamahalaang lungsod at BIR upang mailapit ang mga serbisyo sa mga Dagupeño.
Sa pamamagitan ng Bizlounge, may nakahandang internet connection, computers, at printers na ipinagkaloob ng lungsod upang matiyak ang mas episyente at maayos na pagproseso ng mga dokumento at aplikasyon.
Kabilang sa mga serbisyong maaaring ma-avail sa pasilidad ang new business registration, pagkuha ng Taxpayer Identification Number o TIN, one-time transactions, at iba pang kaugnay na updates at serbisyo ng BIR.
Dumalo sa paglulunsad ang mga kinatawan mula sa pamahalaang lungsod, BIR, hanay ng mga bookkeepers, at iba pang tanggapan na katuwang sa pagpapalakas ng one-stop business services sa siyudad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








