Mas mabilis na vaccination rollout, dapat pagtuunan ng pansin kaysa panukalang booster shot ayon sa Philippine Foundation for Vaccination

Kasunod ng muling pagtaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila dahil sa banta ng Delta variant, iginiit ngayon ng Philippine Foundation for Vaccination sa pamahalaan na mas bilisan pa ang vaccination rollout.

Sa interview ng RMN Manila kay Dr. Lulu Bravo, Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination at Chairperson ng National Adverse Events Following Immunization Committee, binigyang-diin nito na imbes na pagtuunan ng pansin ang panukalang magkaroon na ng COVID-19 booster shot, mas magandang tutukan muna ang pagpapabilis ng pagpapabakuna.

Giit ni Bravo, ang bakuna pa rin ang pinaka-epektibong paraan laban sa anumang klase ng COVID-19 variant.


Bunsod nito, pinaburan ni Bravo ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na kapag hindi pa bakunado ay huwag munang lumabas ng bahay.

Facebook Comments