Isinusulong ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno ang paggamit ng digital financial platforms bilang component ng new economy.
Sa pagdinig ng ₱4.5 trillion 2021 national budget, iprinisenta ni Diokno ang paggamit ng publiko sa contactless e-payment services tulad ng e-gov, instaPay, PESONet at paggamit ng QR code para sa pagbabayad ng buwis at iba pang transaksyon.
Iginiit nito ang kahalagahan ng digital payment platforms para sa ligtas na pagbabayad at pagsasagawa ng mga transaksyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ipinatupad din ng BSP ang mga relief measures para masuportahan ang mga Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) tulad ng mababang interes sa pagpapautang.
Sa kabila naman ng pagbaba ng Gross Domestic Product (GDP) sa 16.5% ngayong ikalawang quarter ng taon, tiniyak ni Diokno na nananatiling matatag ang presyo, ang piso, banking sector at kontrolado rin ang inflation rate.
Sa pagtaya ng BSP, inaasahang papalo sa 2.6% ang inflation rate sa 2020, 3% sa 2021 at 3.1% naman sa 2022.