MAS MADALI | Buhok ng mga estudyante, ipinapanukalang gamitin sa random drug test sa mga eskwelahan

Manila, Philippines – Nais ni Babayan Party List Representative Ron Salo na buhok ang gagamitin sa mga estudyante isasalang sa drug testing.

Ayon kay Salo, kumpara sa ihi at dugo di hamak na mas madaling ibigay ang buhok at hindi ito basta-basta nakokontamina.

Sabi naman ni Department of Education Secretary Leonor Briones, mayroon na silang random drug test program sa mga paaralan.


Aniya, pati mga guro ay sasailalim din sa drug testing.

Pero sa ngayon ay malabo aniyang buhok ang gamitin nila.

Facebook Comments