MAS MADALI | Higit 90 branches ng SSS Automated Teller Systems, bukas na!

Manila, Philippines – Binuksan na ang 94 branch ng Social Security System (SSS) Automated Teller Systems (ATS).

Ayon kay SSS President and CEO Emmanuel Dooc – ang ATS ay tumatanggap ng kontribusyon mula sa mga employer at mga miyembro sa ilalim ng enhanced contribution collection system gamit ang Payment Reference Numbers (PRN).

Mula noong January 16, 2018 kailangang iprisinta ng self-employed, voluntary at OFWs ang kanilang PRN kapag magbabayad ng kontribusyon para ito ay mailagay sa SSS.


Nabatid na mayroong sariling lane sa lahat ng opisina ng SSS na mag-aayos ng My SSS Account.

Facebook Comments