Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mas gaganda ang agricultural productivity at pagkakaroon ng food security sa Pilipinas.
Ito ay matapos ang pagpirma sa Memorandum of Understanding o MOU patungkol sa Cooperative Partnership for Agricultural Machinery sa pagitan ng Department of Agriculture at ng Korea Agricultural Machinery Industry Cooperative o KAMICO.
Sa ginawang ceremonial signing kahapon sa Malacañang, binigyang diin ni Pangulong Marcos Jr., ang kahalagahan ng mechanization sa agricultural production, lalo’t pinaka target ng pamahalaan ay palakasin ang food production lalo na ang produksyon ng bigas.
Naniniwala ang pangulo na sa pagtatag ng local machinery production ay ang unang hakbang para sa agricultural development.
Inaasahan ng pangulo na magkakaroon ito ng magandang resulta para mapababa ang production cost ng mga magsasaka sa bansa.
Kaugnay nito, nagkaroon naman ng inisyal na 30 million US Dollars investment ang KAMIKO para sa phase 1 ng proyekto habang gagawing triple ang halagang ito para sa 2nd phase ng proyekto.