Sisikapin ng Marcos administration na sa mga susunod na taon ay mas gaganda ang ekonomiya ng Pilipinas partikular ang makabuo ng competitive business climate conducive para sa high value investments.
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ginanap na Philippine economic briefing sa Singapore sa harap na rin ng pagnanais na mahikayat ang mga negosyanteng Singaporean na mag-invest sa Pilipinas.
Ayon sa pangulo, sa ngayon ay nagpapatuloy lang ang bansa para makaraos sa hindi magandang epekto ng pandemya.
Pero naniniwala ang pangulo na ngayong ipinatutupad na nila ang kanilang walong socio economic agenda sa pamamagitan ng broad-based job creation, expansion ng digital infrastructure, at promotion ng research and development sa buong bansa ay mababawasan ang kahirapan sa bansa.
Umaasa rin ang pangulo na magiging positibo ang sagot ng Singaporean investors sa kanilang ginawang economic briefing kanina.
Panawagan nito kanina sa mga dumalo sa economic briefing na mag-invest sa Pilipinas dahil committed aniya ang kaniyang administrasyon na paunlarin ang Pilipinas.